^

Probinsiya

Drug pusher itinumba

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 32-anyos na sinasabing drug pusher na nasa talaan ng drug watchlist matapos itong ratratin ng di-kilalang lalaki sa liblib na bahagi ng kalsada sa Barangay Pulong Buhangin, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon.

Napuruhan ng bala ng shotgun ang biktimang si Alvin Villegas ng Sitio Diliman sa nasabing barangay.

Base sa ulat ni PO2 Jonathan Mañacap, dalawang putok ng shotgun ang narinig ng hipag ng biktima kung saan inusisa naman nito.

Bumungad ang duguang biktima na nakahandusay sa loob ng kanyang bahay kaya mabilis na ipinaabot sa himpilan ng pulisya.

Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng shotgun, cal.38 revolver, sumpak, mga bala at isang sachet ng shabu.

Nabatid na ang biktima ay pansamantalang nakalaya mula sa National Bilibid Prison noong 2007 kung saan nakulong din sa San Jose Del Monte City sa kasong carnapping at anti-fencing noong 2014.

vuukle comment

ALVIN VILLEGAS

BARANGAY PULONG BUHANGIN

BULACAN

BUMUNGAD

JONATHAN MA

NABATID

NATIONAL BILIBID PRISON

SAN JOSE DEL MONTE CITY

SITIO DILIMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with