QUEZON, Philippines - Patay ang 16-anyos na estudyante matapos itong makuryente habang nagkukumpuni sa bubungan ng kapitbahay sa Barangay Gomez, bayan ng Lopez, Quezon, kamakalawa ng hapon. Naisugod sa St. Jude Hospital subalit idineklarang patay si Arnold Atregenio, 4th year high school at nakatira sa nasabing barangay. Ayon sa ulat, dakong alas-2:20 ng hapon kinukumpuni ng biktima katulong si Joel Bienvenido sa bubong ng bahay ng isa nilang kapitbahay. Aksidente umanong tumama sa biktima ang nakalawit na kable ng QUEZELCO kaya bigla itong nagkikisay sa lakas ng boltaheng pumasok sa kanyang katawan.Tony Sandoval