MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng 25-anyos na drug pusher makaraang arestuhin kaugnay sa nasamsam na P1.5 milyong halaga ng shabu sa inilatag na drug bust operation sa Barangay Sawang Calero, Cebu City, Cebu kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Richard Plando na hindi na nakapalag matapos mapalibutan ng arresting team.
Nabatid na si Plando na itinuturing na No. 2 drug pusher ay isinailalim sa surveillance operation dahil sa impormasyong nakapagbebenta ito ng 200 gramo ng shabu kada linggo. Nasamsam sa suspek ang 130 gramo ng shabu, kemikal na gamit sa paggawa ng droga, drug paraphernalias at P2,000 cash na pinaniniwalaang kinita nito sa pagbebenta ng droga. Joy Cantos