Lola kinatay ng sariling utol

CAMARINES NORTE, Philippines - Napaslang ang 75-anyos na lola matapos itong pagtatagain ng kanyang kapatid na lalaki na sinasabing nag-amok sa Barangay Sagurong, bayan ng Pili, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Mother Seton Hospital ang biktimang si Rafaela Zamora habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Francisco Orquita, 78, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, unang hinamon ng tagaan ng suspek ang kanyang  utol na si Justino Orquita subalit hindi siya pinatulan bagkus ay umalis na lamang upang iwasan ang magaganap na kaguluhan.

Subalit nagkataon namang dumating ang biktima sakay ng traysikel kaya ito ang binalingan ng suspek na pagtatagain saka tumakas.

Show comments