MANILA, Philippines - Anim na sundalo ang nasugatan makaraang mahulog ang sinasakyang military truck sa malalim na bangin sa Barangay Libug, bayan ng Sumisip, Basilan noong Martes ng umaga. Ayon kay Captain Franco Salvador Suelto, spokesman ng Army’s 1st Infantry Battalion, bumabagtas ang M35 truck ng Marine Battalion Landing Team 11 mula sa Isabela City patungo sa bayan ng Sumisip nang mahulog sa bangin pagsapit sa Barangay Mangal sa bayang nabanggit. Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga sundalo na ayon kay Suelto ay pawang mga enlisted personnels (EPs). Inihayag ng opisyal na ilan sa mga nasugatang sundalo ay malubha ang kalagayan kaya inilipat na ng pagamutan sa Isabela City.