11 nalason sa pansit at tuyo
NORTH COTABATO, Philippines – Aabot sa labing-isang magsasaka ang nalason matapos mag-almusal ng pansit at tuyo sa gitna ng palayan sa Barangay Tubon, bayan ng Pigcawayan, North Cotabato kamakalawa. Kasalukuyang ginagamot sa Amado Diaz Foundation Hospital ang mga biktimang sina Vincent John Bingil,18; Ruel Cueno, 28; Rolando Cede?o, 46; Rolly Caba?og, 43; Byan Libusada, 28; Jason Arco,16; Peter John Cadungog, 20; Francis Bingil,47; Joseph Bingil, 36; Christopher Corro, 21; at si Jerald Egoc na mga residente sa Barangay Central Katingawan sa bayan ng Midsayap, North Cotabato. Ayon kay Juliefe Sumagit, chief nurse ng Amado Diaz Foundation Hospital, magkakasamang nag-almusal ang mga biktima matapos itong mag-harvest ng palay. Gayon pa man, dalawang oras ang lumipas ay nahilo, nanakit ang tiyan at nagsuka ang mga biktima.
- Latest