BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 12-katao kabilang ang isang menor-de-dad makaraang madaganan ng pader sa ginagawang bodega sa Barangay Ilang-Ilang, bayan ng Guiguinto, Bulacan kahapon.
Kabilang sa mga namatay ay sina Jonathan Sagayap, Arnel Gardinio, Joseph Belliones, Dave Avelino, Ramon Buitizon, Marlon Andaya, Nestor Maipon, Arnold Bernabe, at ang 7-anyos na inaalam pa ang pagkakakilanlan.
Sugatan naisugod sa Bulacan Medical Center at iba pang ospital sina Ed-mund Bernabe at Junie Ganila na kapwa manggagawa sa gusali na pag-aari ni Dante Chua sa nasabing barangay.
Nabatid din na ang pinagtayuan ng pader ng bodega na parerentahan sana ng may-ari ay dating taniman ng palay.
Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Ernesto Cruz, dakong alas-3 ng hapon nang gumuho ang concrete slab sa nakatayong firewall ng bodega.
Dumagan sa barracks na tinutuluyan ng mga biktimang magkakasamang namatay.
Nabatid din na ang contractor sa ginagawang gusali ay sinasabing hawak ng Hoc Lim Company.
Pinag-aaralan ng mga awtoridad ang pananagutan ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan sa naganap na trahedya.