TUGUEGARAO CITY, Philippines – Kaguluhan ang inihasik ng isang lasing na miyembro ng Lupong Tagapamayapa matapos nitong pinabulagta ang isang dumayong barangay kagawad sa kanilang pook sa Brgy. San Vicente, San Pablo, Isabela kamakalawa. ?Sinabi sa PSN ni Sr. Insp. Alford Accad, hepe ng PNP San Pablo na pinaghahanap na ngayon si Alberto Marcelino na miyembro ng Peace and Order Council sa Barangay San Vicente.?
Ayon kay Accad, niratrat ni Marcelino ng M16 armalite rifle ang biktimang si Kagawad Ronald Bernaga, 35 ng kalapit na Barangay Dalena matapos tutukan ng cal.45 boga ang kainuman niyang si Reggie Tirabu.?
Lumalabas sa imbestigasyon na naangasan ang suspek sa inasal ng biktima kay Tirabu na kanilang hinihikayat kontratahin na magkarga at magbiyahe ng kahoy sa kanyang sasakyan.
Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng M16 ng SOCO habang tinangay naman ng suspek ang baril ng biktima sa kanyang pagtakas.