Murder vs killer na parak

MANILA, Philippines – Sinampahan na ng kasong murder ang isang pulis na pumatay sa kanyang kasamahang babaeng pulis matapos ang mainitang pagtatalo sa Zamboanga City kamakailan.

Kinilala ni Inspector Dahlan­ Samuddin, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 1 ang suspek na si PO2 Jose Dexter Esquilona, residente ng Estrada Drive, Brgy. San Roque ng nasabing lungsod.

Si Esquilona ay akusado sa pagpatay sa biktimang si PO1 Nurina Tidal, 24-anyos ng Brgy. San Roque ng lungsod na ito.

Ang kasong murder ay isinampa sa Provincial Pro­secutor’s Office. Magugunita na ang biktima ay nagtungo sa bahay ng suspek kung saan ay nagtalo ang mga ito na nauwi sa pamamaslang.

Naaresto naman ang nasabing pulis sa isinagawang follow-up operation.

Show comments