Mangingisda dedo sa amok

QUEZON, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 49-anyos na mangingisda matapos na pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay na naghuramentado sa Sitio Bacolod, Barangay Manlampong, bayan ng San Narciso, Quezon kamakalawa ng umaga. Halos magmistulang kinatay na karne ng hayop ang katawan nii Edilberto Verzosa habang sumuko naman sa mga barangay officials ang 44-anyos na suspek na si Ricolito Bondisto, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ng pulis­ya, lango sa alak ang suspek nang maghuramentado bandang alas-8 ng umaga. Gayon pa man, nakasalubong nito ang naglalakad na biktima kaya walang sabi-sabing inundayan nito ng sunud-sunod na saksak saka tumakas.

Show comments