Trader di-makabayad ng utang, nilikida

BULACAN, Philippines – Bulagta ang 47-anyos na trader makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa Barangay Bayugo, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng umaga. Hindi na umabot ng buhay sa Meycauayan Doctors Hospital ang biktimang si Teofilo Zuñiga III ng Daez Street sa nasabing barangay. Nasakote naman ang mga suspek na sina Raymond Selbosa, 23, pintor; at Gambae Pangcoga, 40, financier ng mga traysikel at kapwa nakatira sa Northville 3 sa nasabing lungsod. Base sa police report, pauwi na ang biktimang lulan ng owner-type jeep (CBM-531)  ng pagbabarilin pagsapit sa nasabing lugar. Nasakote naman ang gunmen sa inilatag na follow-up operation ng pulisya. Nabatid na may pagkakautang na malaking halaga ang biktima  at hindi ito makabayad kaya pinatahimik na lamang ng mga suspek.

Show comments