Mister inaway ni misis, nagbigti

CAVITE, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 47-anyos na mister na sinasabing inaway ng kanyang misis matapos itong magbigti sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa bayan ng Indang, Cavite. Base sa police report, huling namataang buhay ang biktimang si Rizalde Rolle na nakikipag-inuman sa kapitbahay na si Nestor. Nabatid din na nakikipag-fb ang biktima sa kanyang misis mula sa ibang bansa habang nakikipag-inuman. Gayon pa man, nagalit ang biktima sa kanyang misis kung saan nagpaalam na ito sa kainuman hanggang sa maganap ang insidente.

Show comments