Mag-utol nagbarilan dahil sa mana

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Bumulagta ang 58-anyos na magsasaka matapos itong makipagbarilan sa kanyang nakababatang utol dahil sa matagal ng alitan kaugnay sa sinasabing mamanahing sakahan sa Barangay Man-anteng, bayan ng Solsona, Ilocos Norte kamakalawa ng umaga. ?Napuruhan sa ulo ang biktimang si Noel Pascual habang pinaghahanap naman ng mga tauhan ni P/Senior Insp. Leronardo Tolentino ang 40-anyos na suspek na si Pablo Pascual na bitbit ang ginamit na cal. 38 revolver. Naganap ang pagtutuos at barilan ng mag-utol sa kanilang family house dakong alas 8:30 ng umaga.? Narekober sa crime scene ang isang paltik na cal. 9mm pistol sa tabi ng bangkay ng biktima.

 

Show comments