NORTH COTABATO, Philippines - Pinaniniwalaang ang pagiging police asset laban sa mga drug pusher ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ng di-kilalang lalaki ang 60-anyos na babae sa Purok President, Kidapawan City, North Cotabato kahapon. Kinilala ni P/Supt. Franklin Anito, hepe ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Duya Santos ng Phase 2, Habitat Subdivision sa nasabing lungsod. Ayon sa ulat, si Santos ang itinurong police asset sa kanilang barangay laban sa mga nagtutulak ng bawal na droga. Napuruhan sa ulo at dibdib ang biktima matapos itong ratratin habang sakay ng traysikel patungo sana sa city proper.