^

Probinsiya

Tabloid reporter pinapatay dahil tumulong sa bayarin sa lupa

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

BATAAN, Philippines – Laging magulo, laging may nag-aaway sa sinasabing “Lupang Impiyerno” na ngayon ay tinaguriang Tagnai Homeowners Association sa Sitio San Ra­fael, Barangay Tuyo sa  Balanga City, Bataan.

Ito ang pahayag ni Trinidad Tallorin ng Provincial Veterenary Office na asawa ni Chairman Ricardo Tallorin ng Barangay Tuyo.

 “Simula ng manungkulan ang kanyang asawa noong 2011 lahat ng naitala sa blotter sa kanilang barangay ay kaguluhan at awayan laban sa pinag-aagawang limang ektar­yang sakop ng Tagnai Homowners Association,” paliwanag ni Tallorin.

Sinabi pa ni Tallorin na malaking palaisipan ang pagpatay kay Ma’am Ledesma dahil ang matin­ding kaaway niya ay isang negosyanteng may-ari ng mga bahay sa nasabing barangay na sinasabing nakabayad na sa lupa na hanggang sa ngayon ay wala pa ring titulo.

Idinagdag pa ni Tallorin na nakasanla sa mayamang trader ang 5-ektaryang lupain na ngayon ay Tagnai Homeowners Association subali’t nabayaran na rin sa pamamagitan nila Nardy David at ni Nerlita Ledesma.

Si Nerlita “Nerlie” Ledesma na tumatayong pa­ngulo ng THOA at reporter ng Abante newspaper ay nirat­rat at napatay ng  riding-in-tandem gunmen noong Huwebes ng umaga (January 8) habang nag-aabang ng traysikel para pumasok sa trabaho sa kapitolyo.

Sa follow-up operation, may tatlong suspek na ang inaresto subalit hindi pa rin isiniwalat ang pagkakakilanlan dahil sa patuloy pa rin ang imbestigasyon.

Samantala, nag-alok ng P.1 milyong pabuya si Bataan Governor Albert Raymond Garcia para sa mga taong makakapagbigay ng impormasyon laban sa mga suspek.

BALANGA CITY

BARANGAY TUYO

BATAAN GOVERNOR ALBERT RAYMOND GARCIA

CHAIRMAN RICARDO TALLORIN

LEDESMA

LUPANG IMPIYERNO

NARDY DAVID

TAGNAI HOMEOWNERS ASSOCIATION

TALLORIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with