Lider ng NPA timbog

MANILA, Philippines - Umiskor ang mga element ng militar at pulisya matapos masakote ang isang mataas na lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa checkpoint sa national highway ng Hacienda Socorro, Brgy. Punao, San Carlos City, Negros Occidental kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni Lt. Col. Jona­than Gayas, Spokesman ng Army’s 3rd Infantry Division (ID) ang nasakoteng suspek na si Rogelio Posadas.

Bandang alas-10 ng gabi nang masakote si Posadas sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ng Korte. Joy Cantos

Show comments