Civilian volunteers sugatan sa Sayyaf attack
MANILA, Philippines - Isang miyembro ng Barangay Peacekeeping Team (BPAT) ang nasugatan matapos na paulanan ng bala ng mga bandidong Abu Sayyaf ang grupo ng mga sibilyang volunteers kahapon ng umaga sa sa Brgy. Kiyutaan, Talipao, Sulu.
Kinilala ni Col. Allan Arrojado, Commander ng Joint Task Group Sulu ang nasugatang biktima na si Akmad Aburan. Bandang alas-6:05 ng umaga ng umatake ang nasa 30 bandido mula sa grupo ni Abu Sayyaf Sub Commander Angga Adji at Roger Saji na nagpaulan ng M203 grenade launcher sa tanggapan ng BPAT na pinamumunuan ni Konsehal Lakim Uddin. Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng 10 minuto.
Nagsitakas naman ang mga bandido matapos na mamataan ang papalapit na puwersa ng tropa ng militar. Joy Cantos
- Latest