^

Probinsiya

Parak sibak sa shooting viral video

Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Sinibak  na sa puwesto at nakatakdang igisa ang isang pulis  na ama ng isa sa walong kalalakihang nasangkot  sa indiscriminate firing noong Bagong Taon  na naging viral sa facebook sa Narvacan, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ni Ilocos Sur Police Director Sr. Supt. Nestor Felix ang ngayon ay nasa Holding Unit ng Provincial PNP Office na si SPO1 Alex Gomez ng Provincial Anti Illegal Drugs Special Operations Group (PAIDSOTG).

Ang nasabing pulis ay ama ni Geronimo Gomez na kinasuhan ng alarm and scandal kaugnay sa walang habas na pagpapaputok ng baril noong kasagsagan ng Bagong Taon.

Kasamang kinasuhan ni Gomez ay sina Christopher Calixterio, Russel Funtanilla, Cezar Funtanilla, Mark RJ Cabana, Mark Cachola, Jumar Cabreros at Philip Andrew Funtanilla.

Itinanggi naman ni Felix na ang nakatatandang Gomez ay bodyguard ni Ilocos Sur Governor Ryan Singson na inihayag ni Narvacan Mayor Zuriel Zara­goza sa pakikipagpalitan nito nito ng maaanghang na salita sa gobernador.

Sinabi rin ni Felix na maliban­ sa pagpalit kay Chief Insp. Rex Buyucan bilang hepe ng Narvacan upang sumailalim sa schooling;  walang sinibak na miyembro sa lokal na pulisya. ?Si Buyucan ay pinalitan ni Sr. Insp. Jerome Sinugo bilang Officer-in-Charge. Raymund Ca­tindig

ALEX GOMEZ

BAGONG TAON

CEZAR FUNTANILLA

CHIEF INSP

CHRISTOPHER CALIXTERIO

DRUGS SPECIAL OPERATIONS GROUP

GERONIMO GOMEZ

GOMEZ

HOLDING UNIT

ILOCOS SUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with