Sekyu, magsasaka nag-suicide

CAMARINES NORTE, Philippines  – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 20-anyos na security guard at isang magsasaka sa naganap magkahiwalay na suicide sa Camarines Norte at Camarines Sur kamakalawa. Ayon kay P/Chief Insp. Rommel Labarro, si Marco De Mesa, security guard ng Phil. Baotong Mining Corp. ay nagbaril sa sarili sa kanyang barracks sa Barangay Pinagbirayan Malaki, bayan ng Paracale, Camarines Norte. Ayon kay PO3 Wilmor Fresco, narekober sa lugar ang cal. 38 revolver , basyo ng bala, 2 cellphones at dalawang itim na wallet. Samantala, ang 38-anyos na magsasakang si Richard Cabaltera na naging desperado sa kahirapan ng buhay ay nagbigti sa punungkahoy sa Barangay Tinorongan sa bayan ng Sagnay, Camarines Sur.

Show comments