^

Probinsiya

Pasahero nilikida sa loob ng bus

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines  -  Napatay ang 41-anyos na lalaki habang sugatan naman ang isa pa sa naganap na shooting incident sa loob ng pampasaherong bus sa kahabaan ng Southern Taga­log Arterial Road (STAR) Tollway sa Batangas City, Batangas noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel, Batangas PNP director ang biktima na si Gonzalo Ocampo Francisco ng Barangay Mina­buyok, Talavera, Nueva Ecija.

Sugatan naman si Allan Dinglasan, 39, ng San Isidro, Batangas City matapos magtamo ng tama ng bala na tumagos sa katawan ni Francisco.

Base sa police report, naganap ang pamamaril sa loob ng ALPS Bus na may plakang TYU-110 na minamaneho ni Allan Salvador nang barilin si Francisco pagsapit sa KM101 ng Startollway sa Barangay Tingga Itaas bandang alas-10:51 ng umaga.

Napuruhan si Francisco sa likuran ng ulo kung saan tumagos ang bala at tumama naman kay Dinglasan.

Sa pahayag naman ni Carlito America, Security and Traffic chief ng Startollway, nakatakas ang gunman matapos tutukan ng baril ang driver ng bus at sabihin ang mga katagang “buksan mo ang pinto, huwag kang makikialam, masamang damo yan.”

ALLAN DINGLASAN

ALLAN SALVADOR

ARTERIAL ROAD

BARANGAY MINA

BARANGAY TINGGA ITAAS

BATANGAS

BATANGAS CITY

CARLITO AMERICA

GONZALO OCAMPO FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with