^

Probinsiya

Lider ng Sayyaf arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang notoryus na lider ng Abu Sayyaf urban terror group ang sugatang naaresto ng elite forces ng Philippine Army at ng lokal na pulisya matapos na manlaban sa isinagawang operasyon noong Martes  ng hapon sa Barangay Marang Marang, bayan ng Sumisip, Basilan.

Sa phone interview, kinilala ni Col. Eliglen Villaflor, commander ng 4th Special Forces Battalion ang suspek na si Imran “Boh” Mijal, sub-commnader ASG na sangkot sa serye ng pambobomba.

Si Boh ay nakipagbarilan sa tropa ng  militar kaya sugatang nasakote sa bisa ng warrant of arrest na inis­yu ni Judge Danilo Bucoy ng Basilan Regional Trial Court Branch 2.

Kabilang sa mga kaso ni Boh ay bombing, kidnapping, extortion, pamamaslang ng mga sundalo at maging ng mga sibilyan.

Nakumpiska sa suspek ang M16 rifle, grenades, cal.45 pistol at mga bala kung saan sumasailalim na ito sa masusing tactical interrogation.

vuukle comment

ABU SAYYAF

BARANGAY MARANG MARANG

BASILAN

BASILAN REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

ELIGLEN VILLAFLOR

IMRAN

JUDGE DANILO BUCOY

PHILIPPINE ARMY

SI BOH

SPECIAL FORCES BATTALION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with