NORTH COTABATO, Philippines – Malaking halaga ang natangay sa Treasurer’s Office matapos looban ng mga di-kilalang kalalakihan ang lokal na pamahalaan ng Kabacan sa North Cotabato, ayon sa ulat kahapon.
Sa ulat ng Kabacan PNP, bandang alas-9 ng umaga kahapon, nadiskubre ng isang kawani ng munisipyo na bukas ang nasabing tanggapan.
Sinasabing noong Miyerkules ng hapon (Dec. 31) huling isinara ang nasabing opisina at di-mabatid kung anong araw nilooban ang munisipyo.
Maging ang Kabacan PNP na may ilang metro lamang ang layo sa munisipyo ay hindi namalayan ang naganap na insidente.
Hindi pa matukoy na halaga ng cash, tseke at mga alahas ang natangay ng mga kawatan matapos wasakin ang safety vault habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).