Mister inutas ng 19-anyos sa inuman

CAVITE, Philippines – Pinabulagta ang 53-anyos na mister ng kanyang kainumang tinedyer matapos ang mainitang pagtatalo kaugnay sa pinulutang kambing kamakalawa sa Barangay Adlas, bayan ng Silang, Cavite. Idinekla­rang patay sa ospital ang biktimang si Bienvinido Pulido habang nasakote naman ang suspek na si Rovidal Umali, 19, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Nabatid na magkasamang nag-iinuman ang dalawa ang sumiklab ang pagtatalo kaugnay sa pinulutang kambing na binili ng biktima. Gayon pa man, nagpaalam na uuwi ang suspek pero pinigilan siya ng biktima hanggang sa magkainitan na humantong sa krimen.

 

Show comments