Lalaki dinedo ng kapatid

NORTH COTABATO, Philippines - Patay ang 34-anyos na lalaki matapos saksakin ng sariling kapatid na sinasabing nanuntok ng kanilang ama sa Barangay Central Glad, bayan ng Midsayap sa North Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Roberto Acanto Laman habang arestado naman ang suspek na si Ben Acanto Laman, mga nakatira sa nasabing barangay. Sa police report na isinumite kay PNP deputy commander P/Senior Insp. Henry Narciso, nagalit ang suspek sa ginawang panununtok ng biktima sa kanilang ama. Kaagad na inundayan ng saksak at napatay ng suspek ang kanyang utol. Nabatid din na may matagal na ring alitan ang magkapatid dahil sa lupang sinasaka.

 

Show comments