Kuya kinatay, kinaladkad ni bunso
QUEZON, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 48-anyos na lalaking nasa banig ng karamdaman matapos itong pagtatagain ng kanyang kapatid na may kapansanan sa pag-iisip kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Ilayang Owain sa bayan ng Sampaloc, Quezon. Animo’y kinatay na baboy ang sinapit ng biktimang si German Flores habang arestado naman ang suspek na si William Flores Jr., kapwa binata at nakatira sa nasabing barangay.
Sa ulat ng pulisya, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang isagawa ng suspek ang krimen habang ang biktima ay natutulog sa kanilang bahay.
Hindi pa nasiyahan, kinaladkad pa ng suspek ang duguang katawan ng kanyang kuya patungo sa sabungan hanggang sa arestuhin ito ng mga opisyal ng barangay.
- Latest