Anak tinodas ng ama sa noche buena

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Patay ang  isang 38 anyos na tricycle driver na nabaril ng kanyang sariling ama noong bisperas ng kapaskuhan sa naganap na krimen sa Sta Catalina, Ilocs Sur kamakalawa. Ang biktimang si Fidel Ragunjan ay hindi na umabot ng buhay sa St. James Hospital. Arestado naman sa followup operations ng pulisya ang suspek na si Manuel Ragunjan, 72, isang mangingisda, at kapwa residente ng Barangay Subec sa nabanggit na bayan. Sinabi sa PSN ni PO3 Ronald Ragasa na bunga ng kalasingan  sa pagdaraos ng noche buena  nauwi ang pagtatalo ng mag ama sa pamamaril gamit ang isang paltik na cal. 38 pistola. Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa tiyan ang biktima na siya nitong ikinamatay. Matatandaan na pinatay naman sa gulpi ng isang sinasabing anak na adik ang sariling 69 anyos na ina  noong nakaraang bisperas ng kapaskuhan sa Vigan City.

Show comments