TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Sugatan ang apat na miyembro ng isang pamilya at isa pang motorista sa naganap na karambola ng mga sasakyan sa kahabaan ng highway sa Barangay Sta. Rita West, bayan ng Aringay, La Union kamakalawa. ?Kinilala ni PO3 Rogelio Quinit ang mga biktima na sina John Ronald Aloot, 22, driver ng trike; Grace Ramirez, 42; Kevin Ramirez, 9; at si Christopher Ramirez, 14.? Lumalabas sa imbestigasyon na biglang tumirik sa gitna ng kalsada ang traysikel kaya nabangga ng motorsiklo ni Danny Panelo. Gayon pa man, nabangga naman ng truck ni Angelito Parayno ang traysikel sa gitna ng kalsada.? Naisugod sa La Union Medical Center ang mga biktima habang sumuko naman sa pulisya si Parayno matapos ang insidente.