Mekaniko, tindera pinabulagta

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Hindi na nakaabot ng Pasko ang 42-anyos na mekaniko matapos itong ratratin ng di-kilalang lalaki kung saan nadamay pa ang tindera ng prutas sa panibagong karahasang naganap sa Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela kamakalawa.? Kinilala ni P/Supt. Mariano Rodriguez, hepe ng  Cauayan City PNP ang mga napatay na sina Victor Fernandez, biyudo; at Aby Cabrera, 39, fruit vendor.? Nabatid na ang pamamaril ay may ilang metro lamang ang layo sa presinto ng pulisya.? Lumilitaw na bumibili ng prutas ang biktima at habang ito ay sinusuklian ni Cabrera ng umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng  baril kung saan duguang bumulagta si Fernandez at maging ang nabanggit na tindera. Pinaniniwalaang may kaugnayan sa bentahan ng droga ang isa sa motibo sa pamamaslang.

Show comments