Mister kinalasan ni misis, nagbigti

CAMARINES NORTE, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 32-anyos na lasenggerong minero na sinasabing hiniwalayan ng kanyang misis matapos itong magbigti sa loob ng kanyang kuwarto sa Purok 1, Barangay Benit sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Bandang alas-3 ng hapon nang matagpuan ang  nakalambiting bangkay ni Jovin Clacio gamit ang nylon cord. Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na ang biktima ay hiniwalayan ng kanyang asawa dahil sa pagiging lasenggero nito. Dahil sa pagi­ging desperado at wala na rin  makakasama sa araw ng Pasko ay nagdesisyong wakasan na lamang ang kanyang buhay.

Show comments