Intel officer ng Marines, 2 pa dakip sa pot session
MANILA, Philippines – Huli sa aktong gumagamit ng ilegal na droga ang isang Marine intelligence officer at dalawa pa niyang kasama sa Zamboanga City.
Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek na si Sergeant Alfrenz Abidin, 32, intelligence officer ng Philippine Marines Corps na nakatalaga sa Western Mindanao Command at residente ng Barangay Tetuan, Zamboanga City.
Nasakote rin ang dalawang kasamahan ni Abidin na sina Nurfaina Dizon, 31, ng Jolo, Sulu at Omarcayam Ibno, 26, ng Lower Calarian, Zamboanga City.
Nilusob ng mga tauhan ng PDEA Regional Office 9 (PDEA RO9) kasama ang Intelligence Division, Marine Battalion Landing Team 1 ng Philippine Navy ang isang paupahang kwarto kung saan naaktuhan ang tatlo na gumagamit ng shabu.
Iba't ibang drug paraphernalia ng nakumpiska ng mga awtoridad bukod pa sa apat na identification cards.
Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Section 13 (Possession of Dangerous Drugs During Parties, Social Gatherings or Meetings) at Section 14 (Possession of Drug Paraphernalia During Parties, Social Gatherings or Meetings), Article II of RA 9165 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest