P2M shabu nasabat sa ipinadalang sapatos
MANILA, Philippines – Arestado ang isang 48-anyos na lalaki matapos tumanggap ng padalang sapatos na may lamang P2 milyong halaga ng ilegal na droga sa Butuan City.
Nasakote si Rosello Ampong nitong Biyernes matapos kuhain ang padala sa isang courier service sa Gaisano Mall sa Barangay Imadehas Butuan City bandang alas-6 ng gabi.
May timbang na 250 gramo ang shabu na nakabalot sa 50 pakete at ipinaloob sa sapatos.
Bago ang pagkakaaresto, isang impormante na ang nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad na may padala mula San Pedro City, Laguna ang naglalaman ng shabu.
Tinutukoy na ng mga awtoridad kung sino ang nagpadala ng ilegal na droga patungong Butuan City.
Nahaharap si Ampong sa kasong paglabag ng Section 5 (Delivery of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest