MANILA, Philippines – Bumagsak sa mga operatiba ng pulisya ang lider ng mga rebeldeng New People’s Army at kasama nitong amasona matapos maharang sa checkpoint sa Barangay Magnaga sa bayan ng Pantukan, Compostela Valley kamakalawa. Isinailalim na sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Jordan “Nolico” Donillo at ang amasonang alyas Inday. Si Donillo na gumagamit ng mga alyas Estong at Jovan ay may patong sa ulo na halagang P2.5 milyon. Nakumpiska sa mga suspek ang isang cal. 45 pistol, dalawang improvised explosive device (IED), dalawang cellphones at tatlong slings bag.