Iligan solon sugatan, 4 patay sa ambush

MANILA, Philippines – Sugatan si Iligan City Rep. Vicente Belmonte Jr. matapos tambangan ng armadong kalalakihan ngayong Huwebes.

Sinabi ni Belmonte na pinaulanan ng bala ang kanyang sasakyan at convoy sa kahabaan ng national road ng Misamis Oriental.

Apat ang namatay, dalawa rito ay driver at dalawa ang security escorts, habang sugatan siya at dalawa pa niyang kasama.

Mula nang Laguindingan Airport sa Misamis Oriental ang kongresista nang maganap ang pag-atake bandang 1:30 ng hapon.

Kasalukuyang nagpapagaling ngayon sa ospital si Belmonte.

Naniniwala ang kongresista na may kinalaman sa politika ang insidente.

Show comments