QUEZON, Philippines – Nagwakas ang matagal ng alitan ng magkapatid matapos barilin at mapatay ang 53-anyos na kuya ng kanyang bunsong utol kamakalawa ng gabi sa Lerham Street, Morning Breeze Subdivision sa Barangay Lalig, bayan ng Tiaong, Quezon. Ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib ay nakilalang si Danilo Patasin, may-asawa, jeepney driver habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Nole Patasin, 39, may negosyong buy-and-sell at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, inanyayahan ng biktima ang kanyang kuya na mag-inuman ng alak kung saan sa gitna ng inuman ay inungkat ng biktima ang matagal ng alitan nilang magkapatid. Gayon pa man, nagalit ang suspek at pinutukan ang kanyang kuya.