^

Probinsiya

Shootout: 2 tumba, pulis sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawa-katao kabilang ang sinasabing notoryus na drug pusher ang napaslang habang sugatan naman ang isang pulis makaraang sumiklab ang shootout sa isinagawang buy-bust ope­ration ng mga awtoridad  sa beach resort sa Barangay Lewin, bayan ng Lumban, Laguna kamakalawa.

Kinilala ang mga napatay na sina John Aristotle Juaño na nasa wanted list ng pulisya bilang notoryus na drug pusher; at Virgilio Villarin na tinamaan ng ligaw na bala sa pamamaril ni Juaño.

Sugatang naisugod sa pagamutan si PO2 Jua­nito  Bacsal Jr. ng Lumban PNP.

Sa ulat ni P/Supt. Florendo Saligao, Laguna PNP director ng Laguna, nagsagawa ng buy-bust operation sina PO2 Bacsal at PO1 Glicerio Cruzen na umaktong poseur-buyer laban kay Juaño na napaulat na nagtutulak ng bawal na droga.

Matapos na makipag-deal ang dalawang pulis kay Juaño na iniaabot na ang ilang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P12,000 ay nagpakila­lang pulis si PO1 Cruzen  kung saan dinisarmahan ang suspek.

Gayon pa man, may isa pang baril si Juaño kaya pumalag ito at nagpaputok kaya tinamaan ang sibil­yang si Villarin at nasuga­tan ang isa pang pulis.

Bunga nito, napilitan ang isa sa kasamahan ng dalawang pulis na tinukoy lamang sa apelyidong PO3 Galang na nagsisilbing perimeter security na barilin si Juaño.

Nagawa pang maisugod sa ospital ang  tatlo pero idineklarang patay sina Juano at Villarin.

Narekober sa pinangyarihan ng barilan ang dalawang baril, mga bala, at ang marked money na ginamit sa buy bust operations.

BACSAL JR.

BARANGAY LEWIN

FLORENDO SALIGAO

GLICERIO CRUZEN

JOHN ARISTOTLE JUA

JUA

LUMBAN

VILLARIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with