Van vs bus: 1utas, 5 sugatan

CAVITE, Philippines – Isa ang namatay habang lima naman ang nasugatan matapos magsalpukan ang pampasaherong bus at van sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay San Miguel 2, bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang namatay na si Alexander Domingo habang sugatang naisugod sa ospital sina Padiotan Jasmin, Cansela Orpa, Cansela Luisa, Rosalinda Caras,mga kawani ng Homes Royale Real Estate; at si Adrian Arinton, 36. Ayon kay SPO3 Deogenes Zonio, naganap ang road mishap makaraang sakupin ng bus (AAI-9085) na minamaneho ni Arinto ang kabilang linya ng highway kaya nakasalubong nito ang van (XPE-507) ni Domingo na nasugatan ang mga pasahero nito.

Show comments