3 katao lasog sa SUV

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao ang nagkalasuglasog ang katawan matapos magulungan ng SUV sa kahabaan ng highway sa Barangay Nangalisan, bayan ng Solana, Cagayan kamakalawa. ?Kinilala ni SPO1 Bernard Beran ang mga namatay na sina Marcial Diaz, Steven Peña, at si Bubut Agustin na mga nakatira sa bayan ng Amulung habang  nasakote  naman ang driver ng SUV na si Marcelino Balao, 32, arkitekto at nakatira sa Tuguegarao City, Cagayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, lulan ng motorsiklo ang mga biktima nang tumbukin sa likuran ng hindi natukoy na sasakyan pagsapit sa pababang bahagi ng highway.? Tumilapon sa gitna ng kalsada ang mga biktima kung saan tiyempo namang parating ang SUV ni Balao kaya magkakasabay na nagulungan.? Naisugod pa sa St. Paul’s Hospital subalit idineklarang patay ang mga biktima.

Show comments