4 tiklo sa arms cache

CAVITE, Philippines – Kalaboso ang apat-katao kabilang ang isang barangay chairman makaraang arestuhin ng mga awtoridad dahil sa pag-iingat ng iba’t ibang kalibre ng baril sa isinagawang operasyon sa Barangay Tapia, bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Chairman Dominic Glorioso, Ruel Punong Bayan, 37; Erwin Tumang, 48, ng Purok 7, Brgy. San Agustin, Trece Martirez City, Cavite; at si Javier Bahala, 52, ng Brgy. Hugo Perez sa nasabing lungsod. Nasamsam sa mga suspek ang ilang malalakas na kalibre ng baril at mga bala na walang kaukulang dokumento. Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Cynthia Marino-Blanca ng Sta. Cruz Regional Trial Court Branch 27 sa Laguna inaresto ang mga suspek.

Show comments