MANILA, Philippines – Sinunog ng mga pinaghihinalaang sympathizer ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang isang mosque sa Marawi City, Lanao del Sur kamakalawa.
Base sa report ng Marawi City Police, bandang alas-4 ng madaling araw nang pasukin at sunugin ng mga armadong suspek ang mosque ng Masjed Al Imam ‘Ali As sa nasabing lungsod.
“We believed that it is handy work of Islamic extremist who openly symphatized with ISIS,” pahayag ni Hujjatul Islam Wal Muslimen Sayyid Aliakbar Abinal, isang iginagalang na lider ng relihiyong Islam ng mga Muslim.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa kasong ito.