Dalaga minolestiya ng ka-date, bading
MANILA, Philippines – Napariwara ang isang 19 anyos na dalaga matapos itong makipag-inuman na humantong sa pangmomolestiya rito ng kaniyang ka-date at kaibigang bading sa isang bahay sa San Isidro Drive, Brgy. Guiwan, Zamboanga City kamakalawa.
Lumuluhang dumulog sa pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Anna at ipinagharap ng reklamo ang ka-eyeball nitong kinilalang si Benjamin Pingad, 19 at kaibigang umano’y bading na si Jose Carlo Angelo Sanson, 26 anyos.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente nitong Biyernes dakong alas-4:20 ng madaling araw matapos na yayain umano ng suspek ang dalaga na makipag-inuman sa kanila ni Sanson sa tahanan nito sa Aquarius Street ng naturang barangay.
Gayunman, ayon sa dalaga ng malasing umano siya ay binuhat siya ni Pingad sa silid nito na habang unti-unting hinuhubaran ng suspek ay pinaglalamas naman ng bading ang maseselang bahagi ng katawan nito. Nasakote naman sa follow-up operation ng mga awtoridad ang mga suspek na nahaharap sa kasong rape at acts of lasciviousness.
- Latest