CAMARINES NORTE, Philippines – Pinaniniwalaang gang war ang isa sa motibo kaya pinabulagta ang 21-anyos na estudyante makaraang ito pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa harap ng kanyang mga kaibigan sa Purok Ubas, Brgy. Gubat sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mark Evan Abasolo, anak ng kawani ng DTI-Camarines Norte at nakatira sa Barangay Lag-On sa nasabing bayan. Base sa ulat ng pulisya, nakikipagkuwentuhan ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang lapitan at komprontahin ng di-kilalang lalaki hanggang sa maganap ang pamamaril.