^

Probinsiya

High school stude kinidnap, sinunog

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

BATAAN, Philippines  – Nawala ang mga pangarap na makapagtapos sa high school ng 14-anyos na dalagita matapos itong dukutin ay pinatay saka sinunog pa ng mga di-kilalang kalalakihan noong Martes ng umaga sa Barangay Poblacion, bayan ng Mariveles, Bataan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Denielle Ferreria y Evangelista, Grade 9 (High School student) sa Llamas Memorial High School sa Barangay Poblacion.

Sa naantalang ulat na isinumite kay Bataan PNP director P/Senior Supt. Raynold Rosero, huling namataang buhay ang biktima na nagpaalam sa mga magulang para pumasok sa nasabing school noong Martes (Nov. 18).

Subali’t hindi na ito nakauwi kung saan bandang alas-5:49 ng hapon ay nakatanggap ng text message ang ina mula sa mga kidnaper na nanghihingi ng P.5 milyong ransom para sa kalayaan ng dalagita.

Napag-alamang OFW ang ama ng biktima kaya inakala ng mga kidnaper na  may malaking halagang maibibigay ang pamilya.

Sa follow-up operation ng pinagsanib na pwersa ng Anti-kinapping Task Force mula sa Camp Crame at lokal na pulisya natagpuan ang bangkay ng sunog na katawan ng biktima na nakasako sa gilid ng highway sa Sitio Milagros, Barangay Balon Anito sa bayan ng Mariveles, Bataan.

vuukle comment

BARANGAY BALON ANITO

BARANGAY POBLACION

CAMP CRAME

DENIELLE FERRERIA

HIGH SCHOOL

LLAMAS MEMORIAL HIGH SCHOOL

MARIVELES

RAYNOLD ROSERO

SENIOR SUPT

SITIO MILAGROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with