Tulak arestado sa P2-M droga

CAMARINES NORTE, Philippines – Arestado ang 61-anyos na drug pusher makaraang makumpiskahan ng P2 milyong halaga ng shabu sa inilatag na operasyon ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Agency sa Barangay San Rafael, bayan ng Guinobatan, Albay kamakalawa ng madaling araw. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Romeo “Buwaya” Nosares Sr. na  sinasabing naaresto na rin sa kasong pagtutulak ng droga subalit nakalaya matapos magpiyansa. Si Nosares ay dinakma sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Alben Casimiro Rabe ng Tabaco City Regional Trial Court Branch 15  kung saan nasamsam sa suspek ang 400 gramo ng shabu at mga drug paraphernalias.

Show comments