TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines –Tatlo-katao ang namatay habang dalawa naman ang nasa malubhang kalagayan matapos sumalpok ang SUV sa sinusundang truck na may kargang mais sa kahabaan ng highway sa Barangay Magsaysay, bayan ng Naguilian, Isabela kahapon ng madaling araw.?
Kinilala ni P/Senior Insp. Edwin Castro, hepe ng Naguilian PNP ang mga namatay na sina Mary Jane Sales, anak ni Chairman Reynaldo Edrada, ng Brgy. Cabisera Dos sa Ilagan City; Jessie Crisostomo, at si Rodel Crisostomo.?
Kritikal namang naisugod sa ospital sina Eduardo Sales, driver; at Joniper Edrada, anak din ni Chairman Edrada.
Sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang mga biktimang mula sa kasiyahan sa Cauayan City nang salpukin ng Navarra SUV ang likuran ng sinusundang truck ni Jed Bugaoisan, 29, ng San Mariano, Isabela na sinasabing walang tail light.
Sa lakas ng impact ay natanggal ang bubungan ng SUV kung saan tatlong biktima ang namatay.