110 gramo ng shabu nasamsam

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may  110 gramo ng shabu mula sa dalawang tulak ng ilegal na droga na kanilang naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Sta Cruz, Naga City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., ang mga suspek na sina Saidamin Pao, 23; at Sadic Divanza, 25,  pawang residente ng Sta. Cruz, Naga City.

Bandang alas-11 ng gabi nitong Biyernes ng isagawa ng buy-bust operation kung saan naaktuhang nagbebenta ng shabu ang mga suspek sa nasabing lugar. Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Show comments