Kawani nakuryente sa parol, grabe

MANILA, Philippines – Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang 50 anyos na manggagawa matapos itong makuryente habang nagsasabit ng parol sa isang puno sa kalye ng Brgy. Guiwan, Zamboanga City kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Alexander Paragas, residente sa lugar na mabilis na isinugod sa Western Mindanao Hospital upang malapatan ng lunas sa tinamong mga sugat at paso sa katawan.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente sa kahabaan ng kalye  ng Maria Clara Lobregat highway sa Brgy. Guiwan ng lungsod na ito dakong alas-9:50 ng umaga. Ayon sa imbestigasyon, kasama ng biktima ang mga empleyado ng Brgy. Hall sa naturang lugar na nagsasabit ng mga parol sa mga puno sa highway nang aksidenteng mahawakan ng biktima ang live wire sa poste ng kuryente na dumaloy sa katawan nito.

Show comments