BULACAN, Philippines – Lima katao kabilang ang isang hinihinalang karnaper ang inaresto ng pulisya matapos na maaktuhang nagsasagawa ng shabu pot session sa Brgy. Caingin, Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Gregorio ‘Panggo’ Gregorio Jr., 43, residente ng Brgy. Caingin, Bocaue, Billy Joe Jose, 21, ng Brgy. Ilang-Ilang, Guiguinto, Maryjane Amoress, 28, Guest Relation Officer ng Brgy. Panginay, Balagtas, Danica Piano, 18, ng Brgy. Pamarawan, Malolos City at Rejane Dela Rosa, 24, ng Brgy. Mahabang Parang, Angono, Rizal.
Sa report ni Chief Inspector Reynaldo Magdaluyo ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) dakong alas-7:30 ng gabi ay ni-raid ng kanyang mga tauhan ang bahay ni Gregorio Jr. sa naturang lugar base sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Alexander Tamayo ng Regional Trial Court (RTC) Branch 15 sa Malolos City para sa kasong carnapping na isinampa ng barangay kagawad ng Brgy. Bagongbayan sa naturang ding lugar.
Sa nasabing operasyon ay naaktuhan namang nagsasagawa ng pot session ang mga suspek kaya dinakip ang mga ito ng pulisya.