Stude pisak sa road mishap, 17 sugatan

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Isang estudyante ang nasawi  habang 17 katao pa ang malubhang nasugatan matapos maaksidente ang sinasakyan ng mga itong pampasaherong jeepney sa highway ng Brgy. Bagacay, Bulusan, Sorsogon kama­kalawa ng umaga.

Dead-on-the-spot  sa insidente ang biktimang  si John Paul Freo, 16, Grade VII sa Jaime Espena High School ng San Vicente, Bulusan, Sorsogon.

Samantala, ang mga na­sugatang estudyante ay agad namang isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang pampasaherong jeepney (EVP-209) na minamaneho ni Jimmy Gallano galing sa Sta Barbara nang upang ihatid ang mga pasahero nitong estudyante ng maganap ang sakuna sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, natanggal ang gulong sa unahan ng jeepney bunsod upang maaksidente ito kung saan naipit sa behikulo ang nasawing biktima. Iniimbestigahan pa ang kasong ito.

Show comments