TUGUEGARAO CITY, Philippines – Matinding hidwaan sa pamilya ang isa sa pinaniniwalaang motibo sa pagdukot sa isang 20-anyos na balut vendor sa lungsod na ito nang matagpuang bangkay na sa katabing bayan ng Sta. Maria, Isabela kahapon.?
Ang bangkay ni Esteban Garcia ng Brgy. Ugac Sur ay positibong kinilala ng kanyang ina na si Ines Garcia, 48, sa punerarya ng Sta. Maria matapos itong dinukot ng grupo ng hindi nakilalang suspek sa highway ng Brgy. Pengue, Tuguegarao City dakong alas-2 ng madaling- araw noong Biyernes.?Sa pahayag ng mga kapwa vendor ng biktima, isang kulay puting van na may plakang RMN 527 ang tumangay kay Esteban.? Sinabi sa PSN ni Sr. Insp. Jeffrey Raposas, hepe ng Sta. Maria PNP na natagpuan ng mga nagpapastol ng baka ang bangkay ni Esteban na may tama ng bala sa ulo sa isang damuhan sa Brgy. Naganacan.? Ayon kay Raposas mayroon nang tinukoy ang ina ng biktima na maaaring may kagagawan ng krimen na siya ngayon sinusundan sa pagsisiyasat.