Trapik enforcer sinalpok ng bike

BULACAN, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 53-anyos na babaeng traffic enforcer matapos itong salpukin ng motorsiklo habang nagmamando ng daloy ng trapiko sa Barangay Tabing-Ilog, bayan ng Marilao, Bulacan kahapon. Kasalukuyang ginagamot sa National Orthopedic Hospital sa Banawe, Quezon City ang biktimang si Cecil Morte ng Brgy. Lias sa nasabing bayan habang arestado naman ang driver ng motorsiklo na si Erick Dineras, 30, credit collector ng Fundline Insurance Corp. at nakatira sa Brgy. Loma De Gato sa nabanggit na bayan. Sa imbestigasyon ni PO3 Rodel Alcantara, abala ang biktima sa pagmamando sa daloy ng trapiko sa crossing ng mga Brgy. Tabing-Ilog at Poblacion 2 nang salpukin ng motorsiklo ni Dineras. Si Morte na tinaguriang dancing traffic enforcer ay pinarangalan ng mga NGOs kabilang ang pamahalaang panlalawigan at pamahalaang bayan dahil sa dedikasyon nito sa tungkulin.

Show comments